Ang Guryon
ni Ildefonso
Santos
Na yari sa patpat at “papel de Hapon”
Magandang laruan pula, puti, asul
Na may panagalan mong sa gitna naroon.
Ang hiling ko lamang, bago paliparin,
Ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
Ang solo’t paulo’y sukating magaling
Nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.
Saka, pag umihip ang hangin, ilabas
At sa papawiri’y bayaang lumipad;
Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,
At baka lagutin ng hanging malakas.
Ibigin ma’t hindi, balang araw, ikaw
Ay mapapabuyong makipagdagitan;
Makipaglaban ka, subalit tandaan
Na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.
At kung ang guryon mo’y sakaling madaig
Matangay ng iba o kaya’y mapatid;
Kung saka-sakaling dina mapabalik
Maawaing kamay nawa ang magkamit!
Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
Dagiti’y dumagit saan man sumuot…
O, piliparinmo’t ihalik sa Diyos,
Bago patuluyang sa lupa:’y sumubsob!
A. Pagkilala sa May akda:
Ang tulang pinamagatang “Ang Guryon” ay
isinulat ng isa sa mga tanyag na makata sa panahon ng Amerikano na si Ildefonso
Santos. Si Ildefonso Santos ay nagmula sa bayan ng Malabon at siya’y isinilang
noong Enero 23, 1897. Siya ay nag-iisang anak nina Atanacia Santiago at Andres
Santos.
Nagsimula ang pagkahilig niya sa pagsusulat
ng mga tula dahil sa kanyang pinsan na si Leonardo Dianzon na isa ring makata. Nang
dahil sa tulang isinulat ni Ildefonso natuklasan ni Dianzon ang kahusayan ng
pinsan sa pagsusulat ng tula at doon nagsimula ang kanyang pagsulat ngtula. Ginamit
niya ang “Ilaw Silangan” bilang sagisag-panulat.
Nagtapos si Ildefonso Santos ng kursong
edukasyon at siya ang kauna-unahang nagturo ng Pilipino sa National Teacher’s
College. Siya ay kilala sa pagsusulat ng mga magagandang tula.
Pumanaw sya sa edad na 84 ngunit nanatili
parin ang kanyang mga tula na isa sa mga nagpayaman sa panitikang Pilipino.
B.
Uring
Pampanitikan :
Ang
“Ang Guryon” ay isang halimbawa ng tula.
C. Estruktura:
I.
Sukat, Saknong at Taludtod
Ang
tulang “Ang Guryon” ay may sukat na lalabindalawahin sa bawat taludtod. Ito ay
may anim na saknong at may apat na taludtod sa bawat saknong. Kahanga-hanga rin
ang mga pananalitang ginamit ng may akda sa pagsulat ng tulang ito.
II.
Teoryang Pampanitikan
Ang tulang “AngGuryon” ay may teoryang
Imahismo dahil gumagamit ito ng mga imahen upang mas madaling maunawaan ng mga
mambabasa ang ano mang damdamin, kaisipan, ideya, saloobin na nais ipahayag ng
tula.
III.
Tauhan
Ama – ang nangangaral sa kanyang
anak.
Anak – ang tagapagpalipad ng saranggola.
II.
D. Pagtalakay sa Pamagat:
Ang
pamagat ng tula ay “Ang Guryon” o saranggola. Ito ay sumisimbolo sa pangarap ng
tao sa buhay. Kung gaano na katayog ang pangarap at kung paano ito makakaabot
sa nais nitong abutin.
E. Sariling puna:
Ang tulang “Ang Guryon” ay patungkol sa pangangaral
ng isang ama sa kanyang anak. Inihalintulad ang guryon sa buhay ng tao. Kung paano
ang tamang pagbalanse ng mga bagay sa buhay ng tao. Maraming maaaring kaharapin
ang bawat isa sa atin. Katulad ng isang guryon maaaring ang buhay ang tao ay dumaan
sa maraming pagsubok na tiyak na susubok sa atin.
F.
Aral makukuha:
Katulad ng isang guryon tayo rin dapat ay
magpatuloy sa paglipad patungo sa ating mga pangarap. Hindi dapat tayo sumuko
kung may mga unos man tayong kakaharapin bagkos dapat nating tatagan ang ating loob
at magpatuloy sa buhay.